About
Katulad ng isip ko, maituturing isa itong blanko.
Katulad mo, kung anong dahilan kumbakit mo to binuksan e syang dahilan din kumbakit tsismoso ako.
Katulad mo, oo ikaw ulit, hindi ka rin perpekto tulad ko, nagkakamali at magkakamali.
Katulad mo, mahilig din ako sa pagba-blog, pero hindi kasing adik mo.
Katulad mo, umiibig din ako, nasasaktan at nabibigo.
Katulad mo, nanghuhusga din ako sadya man o hindi, dahil muli di rin ako perpekto.
Search
Tama ka, katulad din kita. Iba lamang ng wangis pero iisa ang dumadaloy.
Walang perpektong tao dahil kung mayron man…wala nang magsusulat at magpapahayag ng kaniyang kaisipan.
J.Kulisap
oo nga tama, bakit ba kabuntot na ng kalungkutan at kasiyahan ang pagbablog. in short kabuntot na ng buhay, di ko na maiwasan.