ang manika ni atche

26May10

Hindi ako fan ng sailer moon, magic knight rayer earth o maging ang teletubbies pero tuwang tuwa ako noon sa tuwing nilalaro ko ang manika ni ate. Hindi ‘to kasing ganda ni Barbie, o ni Britney pero mag kasing level siguro sila ni tyra banks.  O di ba ang taray?

Sa tuwing nilalaro ni ate ang kanyang manika e nasa sulok ako habang nakamasid sa kanilang dalawa. Inggit na inggit ako noon kung paano kaganda bihisan ni ate ang kanyang manika, isa dakila akong pretensyosa noon na kunwariy ineenjoy ang mga matchbox o yong maliliit na kotse na bigay ni tatay galing abroad. Pero nagkakakamali sila, mas gugustuhin ko pa ang manikang chaka kesa sa mga maliliit ng kotseng kinulang sa pintura. Anong masama kung chaka ang doll, atleast may challenge sa akin kung paano ko to pagagandahin, o di ba parloristang parlolista.

Sa tuwig iniiwan ni ate ang kanyang manika, e pinakikialaman ko to. Minsan nilalagyan ko ng hair pin, pinapalitan ng matitingkad na damit at mas bongang make up. Sabi ko na e, bakla na ako noon pa. Minsan naman habang naglalaba si mudra, kinukuha ko ang duster nya tapos kukunin ko ang dolly doll ni ate saka ako magmumuwestrang nanay sa kawawang manika. Siguro kung nakakapagsalita lang talaga to noon pa man buking na ako.

Isinasantabi  ko ang mga baril-barilan, trak trakan, mga robots at mga laruang panlalake pag ako lang mag-isa sa kuwarto. Ginagawan ko ang manika ng unan gamit ang itinuping bimpo, tapos pagkagising saka ko naman paliliguan at me-make-up-an. Krung krung na kung krung krung pero ang importante Masaya ako sa ginagawa ko.  Habang walang kamalay malay ang padre de familia na isa akong  syokla.

One time habag nasa living room ang buong pamilya, siguro nasa grade 3 ako noon nang mahulog sa kinalalagyan ang manika… “kleeeny!” sigaw ko. Imbes na magulat ang lahat dahil sa tinis ng boses ko at uber shocked ako sa nangyari… nagtaka sila lalo na ang aking pudra.  “kelan pa nagkapangalan ang manika?”.  “ah nagulat lang ako dad kaya nabanggit ko ang kleeny kasi name yun ng crush ko”. Nagtataka pa rin ang ginoo pero feeling ko e naniwala naman sa alibi ko, I swear muntikan nang mahablot ang aking kapa.

Minsan pag walang tao, ginagaya ko naman ang mga acting moment ni ate vi sa harap ng salamin. Feel na feel ko at walang kahirap hirap i-achieve ang emoyson. Siguro kung may best actress lang sa mga batang bakla noon e ako na ang kampyonato! Minamani ko lang ang pag-iyak, basta lagi kong tinatandaan noon na isa akong api at laging may kaaway. Mega internalize kumbaga.

Sa ngayon, iilan lang ang nakakaalam na magenta  ang dugo ko. Pero maswerte ako dahil alam na ng magulang ko ang tungkol sa kung anong kulay at kung ano ang hanap ko. Swerte lang talaga dahil mas naintindihan nila kesa sa alipustahin ako. Clap clap clap inang mother at pudra!

Minsan nang malasing si tatay, sinabi nya sa akin nang harap harapan… “sayang anak…sayang anak, sayang ang mga ibinili kong baril-barilan sayo nung bata ka, sana sinabi mo noon pa na manika pala ang gusto mo.” Speechless ako.



One Response to “ang manika ni atche”

  1. 1 Lucky

    Moon Prism Power… MAKE-UP!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.