Akala mo lang bakla! pero moron! moron! moron!

22May10

Third year high school ako nang maramdaman ko ang feeling na to,  kakaiba at parang excting kumbaga. Di pa ako baklang bakla nun, sobrang lakas ng inhibibitions ko sa sarili ko na mismong ako takot sa sarili ko (ano yon bloody mary! bloody mary?) Parang may mga forces na do-that at not-that. Pero di ko mapigilan ang mainlababo sa lalaking ‘to. Naku teh di lang sya infatuation, love na to! siguro kung may trabaho lang ako that time kakayanin kong buhayin ang buong ankan nya makapiling ko lang sya, pero wits ako teh freshman ang gagu junior highschool ang lola. Masyado pang bubot at mga bata.

Cute itong si guy, lahat ng meron sa kanya memoryado ko maski na ang pensmanship nya. Know why? rumarayot lang naman ang ganda ko pag wala silang klase, mega visit na parang superyora sa kwarto nila at lahat ng frends nya e pini-frends ko din pero walang kamamalay malay ang pobreng bagito akala lang nya e may iron deficiency ako pero hindi nya alam andun ako sa room nila para rumampa.

Bale yong classroom nila e magkatapat lang sa classroom namin, laboratoty yong room namin kaya may mga sink sa tabi ng bintana at dun ako palagi nakatuntong para masight ko lagi sya. Makulit ang bata, nakikipaghabulan pa madalas sa mga kaeskwela.

Memoryado ko rin nun kung anong oras ang mga subjects nya, kakaibiganin ko ang mga teachers nya at sisilipin ko ang class record nila para malaman kung ranking sa IQ si boylet, in fairness naman teh parang meralco bill ang brainy nya, mataas! Aside sa kumakalembang nyang grades e memorized ko din kung anong oras uwian nila, kung saan sya umuuwi at maging ang parents nya hindi nakalagpas sa watchlist ko.

Although nagkaroon kami ng casual talk pero yong chukchakang inaasahan ko ay di nagwagi, okey na rin kasi lahat naman ng updates sa kanya e alam ko, kung nauso lang ang twitter nun ipa-follow ko talaga sya ng bongang bonga!

So since, mega hide ako sa closeta ko nun mga ateng e dinadaan ko na lang sa subtle form of expression ang landi ko, gumagawa ako ng tula para sa kanya, at mga thoughts of undying admiration ng isang bakla. Minsan gumawa ako ng tula, yong may acronym, so since Mark Kevin ang namesung ng potah edi sinimulan ko sa letrang M… blah blah blah blah blah ‘gang N. Pinabasa ko naman sa seatmate kong gaga, medyo napansin nyang parang may hidden message ang tulakes ko, aba naglintanya with matching taas-eyebrow ang gaga… ano tong M-A-R-K-K-E-V-I-N? Syempre denay denay ang drama ko, sabi ko coincidence lang yan, parang yong lesson natin ngayon serendipity. Ampotah talaga, pinagpawisan ako ng parang bola bola. Namutla na ako, feeling ko itse-chase pa ako ng demonyita, buti naman at naniwala ang gaga. Itinuloy ang pagbabasa na feeling naman nya e inaabsorb ng wavelength ng utak nya. Hmft dakilang pretensyosa!

Ngayon, graduating na sa college ang perslab ko. Hindi ko alam kung ano nang nangayari sa kanya mula nung grumadweyt ako ng highschool. Balak ko pa nga nun huminto ng dalawang taon para pagtapak nya ng thirdyear e baka sakaling ako ang mapiling prom night nya. Hahahaha!! malamang tuwang tuwa ang prostate gland ng inyong lolah!

Sa ngayon nasa akin pa rin ang cellphone number nya, sa totoo lang takot akong kausapin sya sa simula pa lang, parang kasing sphincter ang puso ko sa sobrang kaba!Andun pa rin ang takot ko sa tuwing tatawagan ko sya… ayoko na kasing marining muli yong minsang tinawagan ko sya… “halleeeeeer po”.

PS: buti na lang mapagbigay pa rin ang tadhana, ninanakaw ko ang isa sa mga pictures  sa facebook account nya. O di ba? bongang bongga!



One Response to “Akala mo lang bakla! pero moron! moron! moron!”

  1. 1 ateeez

    hahaha! tawa ako ng tawa ng mabasa ko to. pero ang kyutee ng boylet mo ah. anong number nya baka sakaling kaya ng budget ko. haha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.