my boytoy turns to 22
Berdey ni partner. Wala lang.
Di ko sya naipaghanda kahit maliit lang na salo-salo mas ginusto nyang lumabas na lang kami at mamasyal. Unang pitstop Rob Galle, kumain kami doon at pumunta sa crame kasi may imemeet akong personalidad.Ang nakakatawa di naman alam pareho kung paano at saan ang destinasyon namin basta sumakay na lang kami ng bus at bumaba sa santolan, sa awa ng manjuice napuntahan namin ang rendezvous na akimg kameeting nang payapa at matiwasay, pawisan nga lang.
Noong pauwi na niyaya ako ni partner na pumunta ng MOA, sabi ko may pasok ka pa mamayang gabi di ba? sabi nya uwi na lang daw kami ng maaga. So ayon, tinungo ang MOA di ko lang alam kung trip nyang mamasyal o date yun.
Nung nasa MOA na kami nakakita ako ng dalawang lalaking magkaholding hands, nainggit ako pero di ko na lang sinabi kay partner baka pagsimulan ng tampuhan. Di pa raw kasi sya ready sa ganun, yong tipong ‘public may dance’.
So there, we had fun ang kaso ayaw nyang magpapicture nakokornihan daw sya, e ako namang si camwhore ayun sa akin nakatutok ang lente ngĀ camera.
Nag-aasaran pa kami sa loob ng mall, nakakita kasi ako ng baklitang badette sabi ko kamukha nya, sabi naman nya mas kamukha mo yong stuff toy na hawak nya. Di ko na lang sasabihin kung anong stuff toy yon basta kabilang sila sa theory of evolution, lintek!
Hindi ko pa rin kayang i-penetrate sa utak ko na magtatagal pala ang relasyon namin sa ganitong sitwasyon. 2 years and a running na kami at ang dami nang nangyari pero matatag pa rin yong binuo naming samahan. Kahit ang dami naming flaws at mahirap i-authenticate pero nakakayanan pa rin namin, swerte lang ako siguro kasi nagkaroon ako ng boytoy boyp na kahit hindi man kaexpressive ramdam ko pa rin kung paano sya magmahal mula nung simula hangang ngayon.
Sa iyo partner ko, naisip kong pangalanan na kita dito sa malanding blog ko, ikaw na si mj, ang nag-iisang lalaki ng blog na to. choz.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng Biogesic, oh pano po, ingat!
Filed under: Uncategorized | 5 Comments
happy birthday kay cutie boypie MJ….
natawa ako sa “public may dance”… namiss ko bigla mga pasayaw sa probinsiya hahahaha
kinnam…..”) hihihi
oist. ewan ko, pero.. parang halata naman. ibahin mo yung picture.. ibahin mo. hehe.
kuya ax, ayan dinelete ko na. hehehehe
hahahaa nawendang ako sa last line mo.. hahahaha
wow 2 years!!!congrats!
ang am glad ur happy with him keep it up
have a happy holidays!