paperdoll
Paperdolls.
Grade 4 ako nang matutunan ko ang larong to. Napakamurang edad para sa kabaklaan. Binibili ko ang paperdolls sa halagang 3.00, pag bumibili ako nito sa tindahan ginagawa kong front na pasalubong ko to para sa kapatid kong babae. Pero wez alam ni ate na ako ang naglalaro nun sa tuwing ako lang mag-isa.
Minsan nagkasabay kaming bumili nun ni sisteret, nagblush ako ng bongang bonga! Pero naging matigas ako, sinabi ko na lang na ipinapabili ng klasmeyt kong babae. Pero in all trulaness, e sa kuya nyang tsutsakchenes.
Filed under: Uncategorized | 3 Comments
ang manika ni atche
Hindi ako fan ng sailer moon, magic knight rayer earth o maging ang teletubbies pero tuwang tuwa ako noon sa tuwing nilalaro ko ang manika ni ate. Hindi ‘to kasing ganda ni Barbie, o ni Britney pero mag kasing level siguro sila ni tyra banks. O di ba ang taray?
Sa tuwing nilalaro ni ate ang kanyang manika e nasa sulok ako habang nakamasid sa kanilang dalawa. Inggit na inggit ako noon kung paano kaganda bihisan ni ate ang kanyang manika, isa dakila akong pretensyosa noon na kunwariy ineenjoy ang mga matchbox o yong maliliit na kotse na bigay ni tatay galing abroad. Pero nagkakakamali sila, mas gugustuhin ko pa ang manikang chaka kesa sa mga maliliit ng kotseng kinulang sa pintura. Anong masama kung chaka ang doll, atleast may challenge sa akin kung paano ko to pagagandahin, o di ba parloristang parlolista.
Sa tuwig iniiwan ni ate ang kanyang manika, e pinakikialaman ko to. Minsan nilalagyan ko ng hair pin, pinapalitan ng matitingkad na damit at mas bongang make up. Sabi ko na e, bakla na ako noon pa. Minsan naman habang naglalaba si mudra, kinukuha ko ang duster nya tapos kukunin ko ang dolly doll ni ate saka ako magmumuwestrang nanay sa kawawang manika. Siguro kung nakakapagsalita lang talaga to noon pa man buking na ako.
Isinasantabi ko ang mga baril-barilan, trak trakan, mga robots at mga laruang panlalake pag ako lang mag-isa sa kuwarto. Ginagawan ko ang manika ng unan gamit ang itinuping bimpo, tapos pagkagising saka ko naman paliliguan at me-make-up-an. Krung krung na kung krung krung pero ang importante Masaya ako sa ginagawa ko. Habang walang kamalay malay ang padre de familia na isa akong syokla.
One time habag nasa living room ang buong pamilya, siguro nasa grade 3 ako noon nang mahulog sa kinalalagyan ang manika… “kleeeny!” sigaw ko. Imbes na magulat ang lahat dahil sa tinis ng boses ko at uber shocked ako sa nangyari… nagtaka sila lalo na ang aking pudra. “kelan pa nagkapangalan ang manika?”. “ah nagulat lang ako dad kaya nabanggit ko ang kleeny kasi name yun ng crush ko”. Nagtataka pa rin ang ginoo pero feeling ko e naniwala naman sa alibi ko, I swear muntikan nang mahablot ang aking kapa.
Minsan pag walang tao, ginagaya ko naman ang mga acting moment ni ate vi sa harap ng salamin. Feel na feel ko at walang kahirap hirap i-achieve ang emoyson. Siguro kung may best actress lang sa mga batang bakla noon e ako na ang kampyonato! Minamani ko lang ang pag-iyak, basta lagi kong tinatandaan noon na isa akong api at laging may kaaway. Mega internalize kumbaga.
Sa ngayon, iilan lang ang nakakaalam na magenta ang dugo ko. Pero maswerte ako dahil alam na ng magulang ko ang tungkol sa kung anong kulay at kung ano ang hanap ko. Swerte lang talaga dahil mas naintindihan nila kesa sa alipustahin ako. Clap clap clap inang mother at pudra!
Minsan nang malasing si tatay, sinabi nya sa akin nang harap harapan… “sayang anak…sayang anak, sayang ang mga ibinili kong baril-barilan sayo nung bata ka, sana sinabi mo noon pa na manika pala ang gusto mo.” Speechless ako.
Filed under: Uncategorized | 1 Comment
Third year high school ako nang maramdaman ko ang feeling na to, kakaiba at parang excting kumbaga. Di pa ako baklang bakla nun, sobrang lakas ng inhibibitions ko sa sarili ko na mismong ako takot sa sarili ko (ano yon bloody mary! bloody mary?) Parang may mga forces na do-that at not-that. Pero di ko mapigilan ang mainlababo sa lalaking ‘to. Naku teh di lang sya infatuation, love na to! siguro kung may trabaho lang ako that time kakayanin kong buhayin ang buong ankan nya makapiling ko lang sya, pero wits ako teh freshman ang gagu junior highschool ang lola. Masyado pang bubot at mga bata.
Cute itong si guy, lahat ng meron sa kanya memoryado ko maski na ang pensmanship nya. Know why? rumarayot lang naman ang ganda ko pag wala silang klase, mega visit na parang superyora sa kwarto nila at lahat ng frends nya e pini-frends ko din pero walang kamamalay malay ang pobreng bagito akala lang nya e may iron deficiency ako pero hindi nya alam andun ako sa room nila para rumampa.
Bale yong classroom nila e magkatapat lang sa classroom namin, laboratoty yong room namin kaya may mga sink sa tabi ng bintana at dun ako palagi nakatuntong para masight ko lagi sya. Makulit ang bata, nakikipaghabulan pa madalas sa mga kaeskwela.
Memoryado ko rin nun kung anong oras ang mga subjects nya, kakaibiganin ko ang mga teachers nya at sisilipin ko ang class record nila para malaman kung ranking sa IQ si boylet, in fairness naman teh parang meralco bill ang brainy nya, mataas! Aside sa kumakalembang nyang grades e memorized ko din kung anong oras uwian nila, kung saan sya umuuwi at maging ang parents nya hindi nakalagpas sa watchlist ko.
Although nagkaroon kami ng casual talk pero yong chukchakang inaasahan ko ay di nagwagi, okey na rin kasi lahat naman ng updates sa kanya e alam ko, kung nauso lang ang twitter nun ipa-follow ko talaga sya ng bongang bonga!
So since, mega hide ako sa closeta ko nun mga ateng e dinadaan ko na lang sa subtle form of expression ang landi ko, gumagawa ako ng tula para sa kanya, at mga thoughts of undying admiration ng isang bakla. Minsan gumawa ako ng tula, yong may acronym, so since Mark Kevin ang namesung ng potah edi sinimulan ko sa letrang M… blah blah blah blah blah ‘gang N. Pinabasa ko naman sa seatmate kong gaga, medyo napansin nyang parang may hidden message ang tulakes ko, aba naglintanya with matching taas-eyebrow ang gaga… ano tong M-A-R-K-K-E-V-I-N? Syempre denay denay ang drama ko, sabi ko coincidence lang yan, parang yong lesson natin ngayon serendipity. Ampotah talaga, pinagpawisan ako ng parang bola bola. Namutla na ako, feeling ko itse-chase pa ako ng demonyita, buti naman at naniwala ang gaga. Itinuloy ang pagbabasa na feeling naman nya e inaabsorb ng wavelength ng utak nya. Hmft dakilang pretensyosa!
Ngayon, graduating na sa college ang perslab ko. Hindi ko alam kung ano nang nangayari sa kanya mula nung grumadweyt ako ng highschool. Balak ko pa nga nun huminto ng dalawang taon para pagtapak nya ng thirdyear e baka sakaling ako ang mapiling prom night nya. Hahahaha!! malamang tuwang tuwa ang prostate gland ng inyong lolah!
Sa ngayon nasa akin pa rin ang cellphone number nya, sa totoo lang takot akong kausapin sya sa simula pa lang, parang kasing sphincter ang puso ko sa sobrang kaba!Andun pa rin ang takot ko sa tuwing tatawagan ko sya… ayoko na kasing marining muli yong minsang tinawagan ko sya… “halleeeeeer po”.
PS: buti na lang mapagbigay pa rin ang tadhana, ninanakaw ko ang isa sa mga pictures sa facebook account nya. O di ba? bongang bongga!
Filed under: Uncategorized | 1 Comment
sisteret sisteret chuvarloo
Naramdaman ko ang feeling na ‘to nung frade 3 ako. Imbes na nakikipaglaro ako tuwing recess ng bang-sak sa mga klasmeyt kong lalaki e nandun ako sa loob ng klasrum tinetirentas yong buhok ng klasmeyt kong babae, enjoy na enjoy sa pakikipagkwentuhan kung anong update sa Mara Clara kagabi. Imbis na chichirya ang tawag ko sa kinakain ko e chizcurlz ang mas pinili ko. Ewan ko ba. Pag tinutukso akong bakla e hinahampas ko sila ng payong kong hello kitty.
Mabuti na lang at palaging to the rescue si aaron brylle pag binubully ako ng mga kaklase ko, seatmate ko sya at mega kilig ako pag pinagtatanggol nya ako. Minsan nagsi-share kami sa baon nyang hotdog at sandwich, sagot ko naman ang palamig na minsan may kasamang hibla ng buhok. Kung hindi lang sya talaga pandak at maitim, e nahulog na ang multitasking kong heart sa kanya.
During the class, gusto ko ako unang tinatawag ni teacher delia, gusto ko kasi ipakita sa mga umaapi sa akin na may utak ako di gaya nilang utak pugita at katawang dikya. Pagkatapos kong masabi ang tamang sagot oozing with confidence at nakataas pa talaga ang noo saka naman ako titingin sa katabi kong si aaron at pareho kaming ngingiti. Talbog lahat sila.
Di ko pa alam nun kung ano at para saan ang salitang bakla. Di ko din alam nun na ganito pala ang feeling ng pagiging bakla. Susmaryosep kung alam ko lang e di sana di na ako mega deny pa. Enjoy pala.
Paborito ko rin noon ang mga kanta ng spice girls. Sa aming magkakaklase ako lang ang merong walkman, imagine sa edad na 9 e meron na akong walkman, at lahat ng cassette tapes ko e mga spice girls at ilang dance hip hop. Taray di ba?
Isang linggo bago magclosing exercise nang tanungin ako ni Aaron… “bakla ka ba?” nagulat ako sa tanong nya pero sumagot ako… “hindi ah”. “Mabuti naman, basta prends poreber tayo ha” sabay halik sa aking pisngi. *taas kilay*
Filed under: Uncategorized | 2 Comments
no date but there is an update
muntikan ko nang maabanduna tong blog na to. uber hectic kasi ang life ni lolo. anyways, kanina inaya ako ni boyps magdate, kikita na lang daw kami sa mall. it so happened na meron kaming meeting after ng shift namin e ang takdang oras ng aming pagkikita ni boyps ay 5 o’clock natapos ang meeting ng 6:00 hello kumusta naman yon?
so ayun, nagalit ang loko. sino ba naman ang di magagalit na paghintayin ang isang taong wala pa ng tulog at excited makasama ang partner nya. tinatawagan ko sya habang nasa panel discussion kami kaso na-sight ni bossing na may kausap ako sa telepono kaya pinagdilatan na lang nya ako ng mata. wala akong ibang maisip na paraan kundi yun lang, wala pa naman akong load para matext ko sya pero bahala na.
nung pagkatapos ng meeting agad ko syang tinawagan, sabi nya pauwi na raw sya di na rin nya pinatapos ang esplika ko. nalungkot ako syempre.
nahiya akong umuwi kaya minabuti ko na lang na pumunta ng kyusi para magpamasahe at matanggal ang stress at upang mabisita na rin ang pinsan ko.
alas onse na ng gabi ako nakauwi, kinakabahan ako baka ibato sa akin yong microwave at ref. dahan dahan lang akong pumasok ng bahay, naabutan ko naman na syang tulog at di na nakapagbihis. lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sa noo at binulong ang salitang sorry. tulog pa rin ang loko.
ginising ko na sya para mabihisan, awa ng juice di naman nagalit kundi niyakap lang nya ako at sinabing matulog na daw kami kasi wala pa syang tulog. pero bago kami natulog may binigay ako sa kanya, flower na gawa sa candy. hindi na masama. atleast napa-smile ko sya. kung alam lang nya kung magkano lang yun, luging-lugi sya sa pamasahe nya. hehe
Filed under: Uncategorized | 1 Comment
Merry Christmas
You know what makes a real man?
is that he knows his responsibility in any ways.
Merry Christmas!
Filed under: Uncategorized | 4 Comments
my boytoy turns to 22
Berdey ni partner. Wala lang.
Di ko sya naipaghanda kahit maliit lang na salo-salo mas ginusto nyang lumabas na lang kami at mamasyal. Unang pitstop Rob Galle, kumain kami doon at pumunta sa crame kasi may imemeet akong personalidad.Ang nakakatawa di naman alam pareho kung paano at saan ang destinasyon namin basta sumakay na lang kami ng bus at bumaba sa santolan, sa awa ng manjuice napuntahan namin ang rendezvous na akimg kameeting nang payapa at matiwasay, pawisan nga lang.
Noong pauwi na niyaya ako ni partner na pumunta ng MOA, sabi ko may pasok ka pa mamayang gabi di ba? sabi nya uwi na lang daw kami ng maaga. So ayon, tinungo ang MOA di ko lang alam kung trip nyang mamasyal o date yun.
Nung nasa MOA na kami nakakita ako ng dalawang lalaking magkaholding hands, nainggit ako pero di ko na lang sinabi kay partner baka pagsimulan ng tampuhan. Di pa raw kasi sya ready sa ganun, yong tipong ‘public may dance’.
So there, we had fun ang kaso ayaw nyang magpapicture nakokornihan daw sya, e ako namang si camwhore ayun sa akin nakatutok ang lente ng camera.
Nag-aasaran pa kami sa loob ng mall, nakakita kasi ako ng baklitang badette sabi ko kamukha nya, sabi naman nya mas kamukha mo yong stuff toy na hawak nya. Di ko na lang sasabihin kung anong stuff toy yon basta kabilang sila sa theory of evolution, lintek!
Hindi ko pa rin kayang i-penetrate sa utak ko na magtatagal pala ang relasyon namin sa ganitong sitwasyon. 2 years and a running na kami at ang dami nang nangyari pero matatag pa rin yong binuo naming samahan. Kahit ang dami naming flaws at mahirap i-authenticate pero nakakayanan pa rin namin, swerte lang ako siguro kasi nagkaroon ako ng boytoy boyp na kahit hindi man kaexpressive ramdam ko pa rin kung paano sya magmahal mula nung simula hangang ngayon.
Sa iyo partner ko, naisip kong pangalanan na kita dito sa malanding blog ko, ikaw na si mj, ang nag-iisang lalaki ng blog na to. choz.
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng Biogesic, oh pano po, ingat!
Filed under: Uncategorized | 5 Comments
katorse
2nd year and 2nd month anniversary namin ngayon ng partner ko. As usual the day started with drama, nagtampo na naman kahapon na di ko malaman ang dahilan. Ako namang si ogag nagsorry na lang para di na lumala. Ganun pala yun no ayaw mong lumala ang isang sitwasyon kaya kahit ang pride mo nadedeprived na. Walang aunthentication na dapat mangyari.
Anyway, balak ko sana syang bilihan ng bulaklak, naghahanap ako sa mall ng blue na rose pero wala akong makita, tragic para sa akin yun kasi gusto ko sana syang bigyan ng bulaklak. Bading na bading naman kung bibigyan ko sya ng red roses, di rin pwede ang white kasi feeling ko lang hindi ako magmomourn sa anniversary namin. hahaha
Ah ibinili ko na lang sya ng paborito nyang dessert yong ube-halaya, nagbenta kasi yong kaopisina ko kaya bumili ako ng dalawa, okey naman ang lasa sana lang magustuhan nya.
Ipagluluto ko pa sana sya ng nilagong baboy o kaya sinigang kaso wala nang oras kanina kaya di ko alam kung ano ipapakain ko sa mokong na yon, malamang hotdog na naman. hahaha
Sa ngayon tulog sya habang ginagawa ko ang entry kong ito, pero bago ko buksan ang computer tinabihan ko muna sya at niyakap, niyakap naman nya ako ibig sabihin wala nang tampuhan wala nang dramahan. Napangiti na lang ako.
Tandaan mo na mahal na mahal kita sa kabila ng kadramahan mo sa mundong napasukan natin pareho.
Sya nga pala, bagong gupit ako ngayon pero wala pa rin kwenta kasi di mo makikita, ititatanong ko na lang kay partner kung sino kamukha ko si lolit solis o si john lapus. Bongga!
Adios.
Filed under: Uncategorized | 2 Comments
so what?
So what if Im gay? Would you care?
So what if I love a man more than girls?
So what if I have a relationship with same sex?
So what? So what?
Filed under: Uncategorized | 1 Comment
Search
Recent Entries
Categories
- Uncategorized (17)


